Search This Blog

Sunday, October 17, 2010

Masokista

Ako ang karit na pinanggapas mo ng damo at mga nakahambalang sa masukal na gubat. Minsan mo akong hinanay kasama ng sibat ng mga datu at kalasag ng mga dakilang mandirigma.



Ako ang pison na naglatag ng semento sa iyong kalsada't nagpatag ng iyong daan. Nagtiis sa araw at ulan...bumanyuhay sa kahabaan ng daan mag-isa. Nagpawis, nagutom, napagod ng may galak sa paniniwalang may balang araw akong aasahan.



Ako ang masong pinangpanday mo ng mga kailangan at nais mong sandata. Sige ang palo...sige ang pagpapagamit. Ako na ang tatanggap ng sakit...ng init...ng sagupaang metal sa metal na daig ang sanlaksang nag uumpugang bato!



Ito rin ang masong pumalo sa karit na naging ako. Ako rin ang kumarit sa pison...at ang pison ang pumisa sa maso! Buong buong pag-aalay kahit na luray-luray.

Tagpas...kumalas!
Pisat...ibaon!
Lagapak...wasak!

Gayunpaman...lahat ng nasira'y mabubuo...babangon!

No comments: