A peek into my cerebral activities. The science, discourse and ideology of Aya. Original quotes, modern-day parables and creative analogies...AyAlogies. Everything is connected! Nothing is impossible!
Search This Blog
Monday, October 18, 2010
Makati to Bulacan Its Complicated!
Pauwi ng Bocaue, Bulacan si Rina galing Makati. Sabi nya mas gusto nyang mag-commute kesa mag-taxi. Ayaw nyang magtaxi kasi hindi safe at malamang kasi mas mahal. Sabi ni Mommy Marie, mahirap ding sabihan ng direksyon ang driver ng taxi sa mahabang byahe...hay, it's complicated!
Sadya akong mapag-isip at isang AhA! moment at AyAlogy na naman ang bumulusok sa aking sentido. Gaya ng isang habag na relasyon ang mahabang byaheng nakataxi...it's complicated and it comes with a price that is truly costly!
Mahal ang bayad sa de-kontratang taxi...kadalasan, kahit na pa over over sa mahal ang kontrata, nag-eexpect pa ng tip ang driver dahil wala na daw pasahero pabalik. Abusado di ba? May ganon din sa relasyon...todo-buhos ka na aba'y nag-eexpect pa!
Mag-isa mo ring pagtitiisan ang taxing hindi naman kagandahan...ang kwento, ang korning pinapakinggan nya sa radyo pati na mga pagmumura na sadya nyang kinalakihan. Pilit din nating pinagkakatiwalaan ang mamang driver na ihatid tayo door to door kahit na pa gaano sya kabalasubas mag-drive at kamareklamo sa hirap ng buhay...hindi naman pala nya alam ang daan at maglalakad ka rin mag-isa. Oh di ba sa relasyon ganon din? Tatanggapin mo lahat lahat sa pag-aakalang pagtapos ng dambana ng pagpapakasal e you will live happily ever after tapos sadya palang solo flight din bagsak mo. Bitter? No...nagpapakatotoo lang.
Nakakatakot ding isipin na may mga driver na mapagsamantala. Ililigaw ka sa byahe na kunyari short-cut..ang gusto lang pala e pumatak ang metro at maka-jackpot pang-boundary. May ilang driver ding may kasabwat na holdaper at kung anu-anong modus operandi sa buhay ang ginagawa...pagnabiktima ka e sorry na lang...lesson learned ika nga. Gaya sa taxi, dapat pumili talaga ng wastong partner sa buhay.
Sa pagsakay ko sa taxi naisip ko tuloy...convenient nga bang mag-taxi o mas sosyal lang sya sa jeep o bus o sa paglalakad kaya pumapatok? Bat nga ba ako nagtataxi? Hay...ang saya mag-isip ng malaya! Buti na lang sa Paco lang ako.
*Isang pasintabi sa mga taxi driver, mga kapamilya at kaibigan nila...opinion lang po ito. Naniniwala pa rin akong marangal ang inyong trabaho at may mga naliligaw lang ng landas. Sensya na...may pinaghuhugutan lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
I am totally amused by how your brain works in creating this uniquely offbeat but compelling content.
Ever considered writing fiction and self-publishing? :-)
I can help you with the marketing :)
Post a Comment