Search This Blog

Wednesday, October 20, 2010

Isang bukas na liham para sa pagpapakasal ni Pearl...


Dear Pearl,

Pasensya at hindi ako makakarating sa araw ng iyong kasal. Parang kailan lang excited din ako kagaya mo. Walang ibang higit na importante kundi mangyari ang araw na yon. Walang halaga ang opinion ng iba lalo't higit kung kontra sa napili kong pakasalan. Walang balakid ang hindi pilit babasagin at lalampasan dahil gustong gusto ko talagang magpakasal. Matagal kong pinangarap ito at inimagine...matagal kong niluto sa isip at kinapa sa damdamin...actually, naging way of life pa nga namin dati ang pumunta sa mga wedding fair. Nagpunta kami sa wedding fairs para mag-scout ng good deals... we had some...actually parang lahat naman good deals...akala ko lang pala good deals. Ngayon naisip ko aanhin ko ang good deals if you are not in good terms.

I could fairly say na medyo kinareer ko ang paghahanda.Ginusto kong magkaron ng stable na trabaho dito sa Manila (imbes na sa matalahib na General Trias, Cavite) para paghandaan ang pagkakaron ng pamilya. Nasabi ko ba sayo na kaya ako nagpa-brace para maayos ang smile ko sa wedding picture? Forward planning ika nga. Si Baby Bug ang classic kong volks...binili ko yun para sa mga wedding related errands dahil nakita ko ang hirap ng iba na magcommute. Marami kasing lalakarin at kailangan ng sasakyan. Un na sana ang parang unang baby namin...si Baby Bug. Naisip ko rin na just in case mabuntis agad ako after the wedding si Baby Bug ang dadamay sa amin sa pagtransport sa hospital...alangan namang tumawag pa ng taxi o kaya mag-SOS sa kamag-anak e manganganak na di ba? Naipakita ko na rin sayo ang wedding worksheet ko na kulang na lang i-macros ko pa. Kumpleto un ng diagram, checklist ng lahat-lahat tsaka syempre modern na ngayon nagkaron din kami ng wedding website... akala ko lang pala na kumpleto. Ngayon naisip kong ang aanhin ko ang plano...hindi pala natin hawak ang bukas.

Everyday I would practice how to smile...make an effort how to walk and try to be as fit and as beautiful as I can be para on the big day bongga at picture perfect ang lahat. I would do prep talks sa family, tell my friends about it and bask in the surreal moment unfolding right before my eyes. Masayang isipin na at long last...after 8 years, ikakasal na ako sa college sweetheart ko at sa simbahang matagal ko na talagang gusto. Napakagandang love story...nakaka-in love...nakaka-inspire... it was one for the books...akala ko lang pala yun.

Ang tindi ng hikbi ko ngayon Pearl as I write this letter to you. Kalakip ng sulat na ito ang sanlaksang panalangin na sana magtagal ang inyong pagsasama at sana maging puno ng pagmamahal ang inyong union bilang mag-asawa. Alam mo naman na from the start...nung binalita mo palang sa amin ni Kate na go na go ka na..I have been reminding you masaya ang feeling sa alapaap pero keep your feet on the ground...maging bukas sa realidad ng buhay at makita mo nawa ang mga bagay-bagay for what they really are. My wedding day was a lucid dream...I was aware it was a dream and I was right there at the center of everything. Ang saya talaga ng pakiramdam...parang naka-auto pilot mode ako na sobrang over whelming ang lahat ng bagay. Ang saya dahil nandon ang mga kamag anak at kaibigan namin...pati na rin mga kaibigan ng mga magulang namin. Eventually you'll know kung sino ang totoo mong kaibigan...kung sino ang totoo mong kapamilya. Kung ano ang saya...ganon din ang lungkot. Pero hindi ako nanghihinayang na nagmahal ako minsan.

Pearl, ayaw kong matakot ka sa kasal dahil sa nangyari sa kin. Continue to believe that true love exists. I know it does. Hindi ko nga lang alam anong nangyari. Or baka it was true for that moment pero hindi na after. Magpasakop ka pero don't lose yourself in the process. Magmahal ka ng buong buo pero manatili kang buo. Totoong hindi sya kanin na iluluwa mo lang dahil mainit...you'll really have to digest it...pero pag nagkasakit ka na dahil sa indigestion..you'd have to excrete it. Bottomline ko siguro...mahalin mo ang sarili mo.

May both of you have enough love sa sarili nyo para you have enough love to give. Don't give more than what you can dahil human nature ang mag-expect ng kapalit. Kahit di mo isipin na nag iisip ka ng kapalit sumasagi un paminsan minsan sa ulo natin...kakasagi ng kakasagi ayun mauumpog ka na lang isang araw marerealize mo nagpakatanga ka. Continue to dream pero wag kang pakatanga. Love with wisdom. Be wise but be compassionate. At the end of the day, its not about you finding the right partner pero kung naging masaya ka ba sa bagong ikaw nung naging kayo.

Again, pasensya ka na at hindi ako makakarating sa araw ng kasal mo. Hindi ko alam kung kaya ko pang makakita ng kinakasal...siguro hindi pa muna and for that I am sorry dahil hanggang dito lang ang kaya ko for now. I have learned how to detach myself from painful situations and from toxic people who hurt me and drag me down. Remember to keep your safety, sanity and soul in check at all times. May you be protected from all the negative vibes...but if in case you are in a helpless condition...cry for help and help will come. Wag mong kayanin lahat because walang may kaya ng lahat kundi Sya.

Sabi sa vows for better or worse...ang sarap pakinggan no? Sometimes this vow makes people complacent...okay lang na walang trabaho...okay lang na magulo...okay lang na walang pera...okay lang na tulog lang ng tulog at awayin ka lang ng awayin kasi dapat kaya at tanggap ung worse. If true love exists both parties should strive to be better individuals so that as partners they can lead and live better lives. One has to think that whatever action, words or thought ng partner nya un na ang best that he/she can give para if worse things come you'll pull each other up.

Ilang araw na lang you'll say "I do", exchange your vows, 1st kiss, 1st dance...the works! May you have enough memories and reason to stay together...and when you ran out of reason...may love be enough to get you through it all.

I wish you a stress-free and beautiful wedding and more importantly a blissful, loving and Christ-centered married life.

As is where is...always in all ways,
Aya

No comments: