A peek into my cerebral activities. The science, discourse and ideology of Aya. Original quotes, modern-day parables and creative analogies...AyAlogies. Everything is connected! Nothing is impossible!
Search This Blog
Thursday, November 11, 2010
Kutex at Kasalanan
Hindi na ako mag-papalagay at maglalagay ng nail polish uli! Cleaning na lang ang ipagagawa ko pero hindi na ako magkukutex. Bukod kasi sa nagtitipid ako ngayon, naisip kong sayang lang ang pagpapakulay ko ng kuko lalo't nababakbak din naman tsaka ikinadidilaw pa ng kuko ko pagkatapos.
Gustong gusto ko ng makulay. Gustong-gusto ko ng cutex. Nasa emergency bag ko pa nga ang maliit na bote ng cutex para may libangan ako pamatay ng oras.
Bago mag-college nag-aral pa nga ako ng Cosmetology para matuto akong mag-manicure ng tama at kumita na rin. Inisip kong masayang fallback ang pag-aayos ng kuko kung sakaling hindi ako makatapos. Besides, ang saya ng pakiramdam na naglilinis ka ng kuko may kasama pang chika. Parang ang gaan-gaan ng buhay at maganda pa ang kita (at least 100 pesos kada oras plus may tip pa depende sa sarap ng kwentuhan).
Hindi lang tao ang nilalang na may kuko. Ang mga ibon, reptiles (except sa ahas) at iba pang mammals (except ang dolphin) may kuko rin. Hindi ko sure kung may kuko ang mga insekto...malamang wala. Punto ko lang...sa lahat ng mga nilalang na ito, tao lang siguro ang nagkukulay ng kuko.
Hindi ko alam ang evolution at history ng nail polish. Ang alam ko lang panahon pa ni Cleopatra may nail polish na. Ginamit kasi nila ang nail color para i-classify ang status ng mga babae. Maputla kapag mas mababang uri at mapula pag royalty. Maybe it is ingrained in the collective subconscious of women kaya drawn tayo na magpakulay ng kuko.
So...bakit nga ba hindi na ako magpapanail polish? Simple lang - hindi kasi natural tsaka mahirap i-maintain.
Na-realize ko ito nung minsang kinalikot at binakbak ko na naman ang manicure ko habang naghihintay ng misa sa Greenbelt. Puti ang pews sa Greenbelt chapel kaya naman kitang kita ang pinagtanggalan ko ng "cutex". Nakakahiya. Siguro ang kasalanan ay parang nail polish.
Let me tell you why...
1. Masarap ilagay ang nail polish...makulay kasi at makintab. Di ba't minsan masarap rin kulayan ang buhay ng "adventure" na kahit na bawal ay ginagawa pa rin para may pampasaya ng buhay? Minsan din ay nasisilaw tayo sa kintab ng kasalanan. Para kasing ang boring ng buhay kung mabait ka lang through-out. Ewan bakit gusto ng tao ng peace of mind pero nabobore kapag steady lang ang buhay...bakit nga ba?
2. Kung ano ang in, masarap gawin kahit na mahal. Kahit mahal ang uso gaya ng nail-art...go nail art pa rin. Sa dami pa lang ng mga nail salon at mga nail care products, alam nating may pera sa business na ito. Sa pagkakaalam ko malaki rin ang pera sa motel at pornography. Malamang malaki ang pera sa mga panandaliang sarap ng buhay.
3. Ano mang masayang epekto ng kasalanan, wala itong patutunguhan kundi ang pagbabakbak o pagseself-destruct dahil sa patuloy na natural na pagtubo ng kuko. Ang life span ng kutex sa kin e less than 1 week sa kamay at mga 1 month sa paa...depende pa yon sa brand o kung gaano ka-sosyal ang nail salon. Malamang kung may masayang epekto man ang kasalanan...swerte na kung magtagal yon ng 1 month...pasasaan bat bibigat din ang buhay mo at nanaisin mong magbago. Ganyan talaga dahil life finds a way to correct itself and save your soul in the process.
4. Sabi ng manikurista dapat ipinapahinga ang kuko kundi maninilaw. Alternate daw dapat...kung magpapalagay ng kutex dapat sa next visit clear lang kundi masisira ang kuko. Hindi bat masisira din ang buhay kung gabi gabi na lang e maglalasing ka o kaya magsusugal? Hindi bat ikinasisira ng ulo kung lagi na lang gastos ng gastos at walang episode ng pagtitipid? So kung gagawa ng masama dapat may ginagawa ring mabuti...or better yet...wag na lang magkasala hanggat maiiwasan.
5. Nakakahiyang ipakita ang kuko kapag nagbabakbak na ang kutex. Pero ang sarap i-show off pag bagong linis. After ng linis..lalo pagnatanggal ng in-grown kakaiba ang ginhawa..parang nakahinga ang paa. =) Parang ganon din ang sense of peace pag nakapag-confess ng kasalanan at nakalabas ng himutok sa buhay. Kung may traces pa ng dating kutex...mas maiging pahiran na agad ng acetone para wag tumigas at maging bahagi ng kuko. For short, wag nang patagalin kung dapat din namang tanggalin.
Sa totoo lang, hindi naman kailangan magpa-manicure...pagnasimulan na nakakasanayan na. Ang pagkukutex gaya ng pagkakasala is a matter of choice. Laging may choice. Question lang naman is kung kayang pangibabawan ang nakasanayan na. Kaya bang tumalikod sa panandaliang saya kapalit ng pagharap sa boring pero mas mapayapang buhay?
Disclaimer: Dahil minsan kong pinaglibangan at na-enjoy ang pagpapaganda ng aking kuko ...wala akong hangaring patayin ang masaya at makulay na industriya ng nail salon. Ito ay bunga lang ng aking pagmumuni-muni. I respect nail salons and will most likely continue to avail their services para sa cleaning, buffing, massage at paraffin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment