Search This Blog

Saturday, November 20, 2010

Jeep Talk


Nagkaron ng time na hindi ko alam magkano ang pasahe sa jeep. Hindi dahil umiiwas ako mag-jeep pero dahil sa hindi nagkaron ng pangangailangang mag-jeep ako. Kasabay yon ng panahon na ang exercise ko ay ang paglalakad para mag-lunch out at tsaka para maarawan na rin.

I just wanted to share some amusing exchanges na narinig ko habang sakay ng jeep.

(1) Mamang tsuper habang wagayway ang singkwenta: Ilan to? Pasahero: Isa po.

(2) Pasahero nag-abot ng bente.Pasahero: Isang tulay ho.

(3) Barker: Galaw galaw para makaalis na. [Ang sikip na nga pano pa kaya gagalaw?]

(4) Barker: Lalakad na. [Tumatakbo dapat di ba o kaya andar?]

(5) Pasahero may dalang bata: Bayad ho kasama bata. [Huh? Bata pambayad? Ung bata napakunot din akala iwan sya.]

(6) Byaheng Taft. Estudyante: Bayad ma. Normal lang. Mamang driver: ID mo? [ID patunay na normal?]

(7) Barker: Kaliwa-kanan kabilaan pa kasyang-kasya sampuan gamit araw-araw.

I honestly don't know how to translate these in English...contextualizing it so foreigners can understand extra difficult.

As I sit there patiently waiting para mapuno ang jeep para umandar na...patago akong napangiti dahil mahirap nang mapagkamalang hindi normal. =) Naalala ko pa ung isang kolehiyala na may kausap sa phone mula pagsakay hanggang sa malapit na syang bumaba. Nung magbabayad na ang kolehiyala ang sinabi nya sa driver, "hello!". Hindi sya sa normal bumaba...sa SM.

Hitik ang kultura sa jeep talk. Try mo mag-observe. Add ka pa ng iba or try to translate.

No comments: